Chapter 57

2626 Words

NANG MAKABALIK sa loob ng pavilion hall sina Sam at Azriel, lihim pang ipinagtaka ni Sam na hindi na lumayo sa tabi niya si Azriel. Nang makabuwelo at makakuha ng sapat na kakapalan ng mukha ay lakas-loob niya itong kinausap. “Hindi naman kita bodyguard para lang tumambay sa tabi ko,” aniya rito. “Mapapanisan ka lang ng laway rito.” Bumaling ng tingin sa kaniya si Azriel. “At saan naman ako pupunta?” Napalunok siya. “Bakit ako ang tatanungin mo? Mas mukha nga na mas marami kang kakilala dahil sa mga kinakausap mo kanina.” Nagbawi ng tingin si Sam nang maging mapanudyo ang nakikita niyang ngiti sa labi ni Azriel. “Paano mo nalaman? Tinitingnan mo ako?” Sa takot na may makarinig sa panunudyong iyon ni Azriel sa kaniya ay bahagya pa siyang napatingin sa paligid nila. Pagkuwan ay medyo p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD