“HINAHANAP mo raw ako?” taka pang tanong ni Geo nang pumasok ito sa silid ni Sam. Nginitian ni Sam ang kaniyang Kuya Geo. Itinigil din niya ang pagsagot ng mga email sa kaniyang cell phone para harapin ang kaniyang kapatid. “Nag-golf kami nina Kuya Ken,” inporma pa nito sa kaniya. Hindi na bumaba pa sa kaniyang kama si Sam nang maupo sa gilid niyon si Geo. “May importante ka ba na gustong sabihin? Sabi kasi ng maid natin, puntahan agad kita rito sa room mo once dumating ako.” Importante nga kaya iyon para dito? “May gusto lang akong itanong, Kuya Geo.” “Like?” Huminga muna siya nang malalim. “Close rin ba ako kay… kay Kuya Azriel katulad ninyo nina Kuya Ken at Jamil?” Hindi agad nagawang sagutin ni Geo ang tanong niyang iyon. Tumikhim ito nang makabawi. “Bakit naman naitanong mo ‘y

