ILANG SANDALING speechless lang si Sam sa kaniyang mga narinig mula kay Azriel. Hindi siya makapaniwala na ampon lang ang ina nito. Kaya naman pala napakalayo ng ugali nito sa kapatid nitong si Tami, na kaniyang ina, at sa mga magulang na kinilala ng Mama Shantal ni Azriel. Dahil ang mga iyon ay sobrang babait kumpara dito. Huminga nang malalim si Sam. Dahil sa mga nalaman, nabuhayan ang kaniyang puso. Bigla ay nawala ang takot niya na kahit siya ay handang ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Azriel sa harap ng kanilang buong pamilya. Sa isang iglap din, kay gaang lalo ng kaniyang dibdib. “Say something,” pakiusap pa ni Azriel sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa nobyo. “Parang gusto kong bumalik sa Pilipinas,” out of the blue ay wika niya. Napangiti si Azriel. “Agad-agad? No way,” u

