“WE ARE not blood-related,” ang mga katagang iyon ay paulit-ulit sa pandinig ni Sam. Para bang isang batingaw. “H-hindi ka nagbibiro?” paninigurado ni Sam sa sinabing iyon ni Azriel na hindi sila magkadugo. Halos hindi siya kumurap habang nakatitig sa guwapong mukha nito. Umiling si Azriel. “I’m not. Hinding-hindi ko rin ‘yon gagawing biro para sa iyo, Samarrah. Dahil ‘yon ‘yong pinanghahawakan ko ngayon para sa ating dalawa. Kaya sobrang lakas ng loob ko na ipaglaban kita sa lahat. Kaya pala… kaya pala kahit ano’ng gawin ko, hindi ka mawala sa puso’t isipan ko. Hanggang ngayon, ikaw pa rin. ‘Yon ay dahil hindi talaga tayo magkadugo. Hindi mali ang nararamdaman natin para sa isa’t isa. Normal lang naman ‘yong maramdaman ng dalawang tao na hindi naman magkadugo, ‘di ba? Lumaki naman tayo

