PABAGSAK na inilapat ni Sam ang kaniyang likod sa malambot niyang kama sa kaniyang silid. Huminga siya nang malalim. Pagkuwan ay ipinikit ang mga mata. Ang sarap sa pakiramdam na nasa balwarte niya siya. Dahil sa pagod sa biyahe kaya naman mabilis ding iginupo ng antok si Sam. Ni hindi na niya nagawa pang magpalit ng suot. MAHIMBING NG natutulog si Sam nang pumasok si Tami sa silid ng kaniyang anak. Lumapit siya sa kama nito at inayos ang ulo nito sa may unan. Pagkuwan ay naupo siya sa gilid ng kama at masuyong hinaplos ang buhok ng kaniyang anak na bakas ang pagod sa maganda nitong mukha dahil sa mahabang biyahe mula sa America pauwing Pilipinas. “Welcome home, anak,” mahina pa niyang anas. Napabuntong-hininga si Tami kapagkuwan. Tuwing magkikita sila ng kaniyang tunay na anak na si

