Nine years later… “DONE,” nakangiti pang wika ni Sam habang pinagmamasdan ang sikat na fashion model na katatapos lang makeup-an. “I really love your work, Sam,” satisfied pang wika ni Elle habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Pagkuwan ay napabuntong hininga ito nang muli siyang tingnan. “Please, don’t quit your job.” “Don’t worry, Miss Elle. I won’t quit my job. I’m just taking a break,” assurance niya rito. Alam na rin kasi nito ang balak niyang pagbabakasyon muna. Literal na bakasyon ang gusto niya. Me time. Walang trabaho na nais isipin. “Okay.” Nag-aayos na siya ng kaniyang mga gamit sa pag-me-makeup nang lapitan siya ni Naomi. “Let’s have some fun tonight, Sam. This is your last day here in New York, right?” Tumango siya sa kaibigan niyang hair stylist. “Yeah. But I am n

