NANG makarating sa bahay ng mga magulang ni Tami ay si Shantal agad ang hinanap niya sa kawaksi na sumalubong sa kaniyang pagbaba sa kotse ni KG. “Nasa silid po niya si Ma’am Shantal, Ma’am Tami.” “Thank you,” walang kangiti-ngiti niyang wika. “Wife, kalmahan mo lang,” bilin pa sa kaniya ni KG. Paano ba siyang kakalma? Hindi niya iyon maipapangako sa kaniyang asawa. Walang salita na dumiretso siya sa may hagdanan para umakyat sa pangalawang palapag. Ang mga magulang niya ay wala roon. Paalis pa lang sila sa ospital kanina nang dumating ang ama’t ina niya para dalawin si Samarrah at Zebianna. Humahangos na hinayon niya ang silid ng kaniyang kapatid na si Shantal. Ni hindi na siya kumatok pa. Basta na lamang niyang binuksan ang pinto na ikinagulat naman ni Shantal na abala sa pagsusukl

