NANG MGA SANDALING iyon ay piping nahiling ni Bia na sana ay lamunin siya ng sahig na kinatatayuan. Kung ganoon… tama ang gustong isipin ng kaniyang isipan kanina? Na talagang pamilyar sa kaniya ang lalaking kaharap? At ang lalaking ito mismo ang nakakuha ng kaniyang pinakaiingatan? Parang gusto niyang matawa sa nangyayari. “K-Kuya Ken,” halos anas niyang wika. Oo. Kuya Ken, iyon ang tawag niya rito noon. Pero matagal na panahon na iyon. Panahon na ibinaon na rin niya sa limot. Lahat ng may kinalaman dito o sa pamilyang kinabibilangan nito. Kinalimutan na niya. Sumeryoso ang guwapong mukha ni Kennedy. “Kuya Ken? Mga kapatid ko lang ang puwedeng tumawag ng ganiyan sa akin.” Bigla ay para bang nagkaroon ng pinong kirot sa kaniyang puso. Oo nga pala. Hindi nga pala siya nito kapatid. Na

