Typos and grammatical error ahead!! ¤¤¤ PERTH POV: ¤¤¤ Tahimik akong nakamasid mula sa labas ng bintana habang tanaw ko sa loob si Daisy na bababalot ng puting tela ang buong katawan kasama ng mga kamay. "Why?" Tanong ko kay Wayde na nasa tabi ko. Nagsabi ako sa kanya na gusto kong sumbatan si Daisy. Ang paghigantian ito pero hindi naman niya sinabi na ganito na pala ang kalagayan ni Daisy. Tulala ito at nakatingin lang sa doctor sa harapan nito na pinapainum ng gamot pero hindi ito gumagalaw. "Hindi ko nasabi sayo na nabaliw na siya simula ng mahuli siya nina Vienn at dito na siya nanatili. Mag dadalawang buwan na din simula noon." "Dapat ba akong matuwa dahil sa kalagayan niya. Iisipin ko ba na ito na ang parusa sa kanya sa kasalanang ginawa niya sa atin?" Tanong ko pa sa kanya.