Typos ang grammatical error ahead. ¤¤¤ PERTH POV: ¤¤¤ "Kumusta ka na apo?" Sa pagkakaupo ko sa gilid habang nakatanaw sa labas ng bintana mula sa aking silid at napalingon ako sa nagsalita. Akala ko sa higit na isang buwan na pag iyak ko ay wala na akong mailuluha pero tumulo na naman ang luha ko ng mapagsino ang nagsalita. "L-lolo." Mahinang usal ko habang nag uunahan na naman sa pagtulo ng luha ko. "Apo." Lumapit ito sa akin at yumakap kaya napahagulgol na ako ng iyak ng maramdaman ko ang pag aalala nito sa akin. "Shhhh! Tahan na apo. Hindi makakabuti sayo ang palaging pag iyak." Pagpapatahan nito sa akin habang magaan na tinatapik ang likod ko. "Okay lang ang umiyak apo. Natural lamang iyon dahil nawala sayo ang magiging baby niyo. I know that its hard to accept the truth na nawa