Typos and grammatical error ahead!! Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon natuto ng magmaneho si Perth. Pinapanuod ko na ngayon siya kung paano niya patakbuhin ang kotse niya sa maluwang na daan sa harapan mismo ng bahay ng lolo. Dahil dito lang naman ang may maluwang na space para sa lahat. Pwedeng ganapan ng malaking pagtitipon o di kaya naman gaya ngayon. Pwedeng ikutan ng kotse sa gustong matutong magmaneho. "Good. Thats better." Nakangiti akong lumapit sa kanya ng maayos na niyang naiparada ang kotse at bumaba na doon. "Thank you!" Tudo din ang ngiti niya. Wala na ang Perth na una kong nakilala na tanging kalungkutan lang ang makikita sa mga mata. But now.. hindi na siya nangingilag sa akin maliban na lang sa ibang tao na lagi siyang nasa likod ko na parang takot lang sa mga