Typos and grammatical error ahead!! Nakatingi ako sa hindi kalayuan sa bisita ni Wayde. Limang araw na sila na sa bahay niya pero nangingilag parin akong makisalamuha dito. Siya si Daisy. Ang dating kasintahan niya na ngayon ay dito na niya pinatira. Naikwento sa akin ni nay Pau ang narinig nito sa usapan nila kaya naman medyo naawa ako sa pamilya ni Daisy dahil doon. Ng sinundo nga ako ni Wayde para umuwi na ay sa una pa lang, nakita ko ang uri ng tingin na para bang ayaw sa akin kaya naman iniiwasan ko na ito at hindi ko na muling tinangkang lumapit kahit pa man sinasabihan ako ni Wayde na hindi ko daw kailangang mangilag. Pero hindi ko maharap ito. Kabastusan man pero hindi ako nakikisalo sa kanila sa pagkain. Kahit pa man sina yaya Gretha at Nay Pau na dati ay kasalo namin ay umiiw