Typos and grammatical error ahead!!! Hindi naman ako nagmulat ng mga mata ko pero pinakiramdaman ko ang sarili ko. Bakit ang lakas ng pagtibok ng puso ko at dinig na dinig ko. Nananaginip ba ako? Malamang nga dahil naramdaman ko na umalog pa ang hinihigaan ko. Umalog? Bakit naman aalog ang hinihigaan ko kung sa sahig ako naglatag ng higaan ko kagabi? Sandali nga? Humihilik ba ako? Hindi naman malakas ang paghilik iyong tama lang sa pandinig na sumasabay lang sa paghinga. Bigla akong naalarma ng may pumatong sa likod ko. Kamay. Hindi na ako nagdalawang isip na imulat ang mga mata ko pero hindi ko gugustuhing gumalaw dahil.. Dahil.... Ang kinahihigaan ko. Hindi sa sahig.. hindi din mismo sa kama kundi... halos nakapaibabaw na ako sa kanya. Nakaunan ako sa dibdib niya. Nakayakap ang