Typos and grammatical error ahead!! "Bagay sayo." nakangiti akong nakatitig sa kanya ng lagyan ko ng pinitas kong bulaklak ang tainga niya. Para na siyang dyosa ng kagubatan dahil ang suot niya ay puting polo ko na ipinasuot ko kanina sa kanya. Nababagay kasi sa kanya iyon. "Huh!." "Diba Nay Pau. Bagay sa kanya."tanong ko pa kay nay Pau na nasa malapit lang. Tumingin sila sa amin. At sabay sabay na tumango at sumagot ng oo. "See." "P-pero." Akma niya iyon aalisin pero pinigilan ko ang kamay niya. "Hayaan mo na iyan diyan. Tinignan ko naman na walang langgam iyan bago ko ilagay diyan." "H-hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. L-lalaki ako." "But beautiful." Dagdag ko. "Come on. Hinawakan ko ulit siya sa kamay at hinila na siya. Nag hiking kami sa may parteng kagubatan ng beach.