Typos and grammatical error ahead!! PERTH POV: Nakatingin ako sa kanya ngayon habang nag su-surfing at ang galing niya. Napapahanga ako na parang gusto ko ding subukan dahil parang ang dali lang iyon pero alam ko naman na hindi iyon basta basta. Kaya hanggang tanaw na lamang ako ngayon. "Magaling si Wayde diyan." Si Nay Pau na kasama kong nanunuod sa kanya. "Kaya nga Nau Pau. Ang galing niya." Agad kong sagot na may mga ngiti sa labi. Totoo, nakakahanga ang pagsakay niya sa surfing board at sumasabay sa agos at malalaking alon. "Parang gusto ko ding subukan." napatingin naman kami ngayon kay Bert. "Tumigil ka Bert baka lunod lang ang abutin mo." Kontra naman ni Nay Pau sa anak. "Nay namam!" "Tumigil ka diyang bata ka." Napangiti na lang ako sa mag ina at hindi na ako nakisali sa