Typos and grammatical error ahead!! Nakangiti akong nakatanaw sa dagat kung saan siya nagtatampisaw kasama nina Nay Pau at yaya Gretha. Kasama din namin ang isang anak ni Nay Pau na halos kaedad lang niya at ang dalawang anak ni yaya Gretha. Oo! Nasa dagat na kami dahil hindi ko na nga nabawi ang sinabi ko noong nakaraang araw kaya heto kami noon. Nagpapalipas na ng oras at inienjoy ang kagandahan ng paligid. "Sir." Napakurap pa ako. Nakalimutan ko na kausap ko pala sa telepono si Karen. "Yes. Go on." At kahit nga nandito ako sa gilid ng dagat ay patuloy parin ako sa pagtratrabaho. Ipinapliwanag niya ang ibang bagay patungkol sa trabaho. Kung ano ba ang dapat gawin sa mga kleyenten kailangan ako para makausap. Marami pa kaming napag usapan at tinapos bago ko tinapos ang usapan namin