Azriel "Sino ba ang nagmamay-ari sa'yo?" Inangat ko ang kwintas habang iniikot-ikot ang pendant nito. Kung sino man siya, isa lang ang bagay na nasisigurado ko. Isa siyang Maharlika't hindi siya pangkaraniwang Maharlika lamang. "Azriel, hindi mo man lang ba dadalawin ang iyong ina?" Umalis ako mula sa pagkakaupo sa bintana ng dormitoryo't lumingon. Nakita ko si Harrieta sa tapat ng pinto ng kwarto ko habang nakakrus ang mga braso. Pagkatapos ng ilang saglit ay niyakap niya ang sarili niya dahil sa lamig. "Argh! Bakit ba ang lamig na naman ng kwarto mo?" Ginulong niya ang mga mata niya habang iniikot ang paningin sa loob ng kwarto ko. I always like cold ambience. "Nga pala, aalis kami nila Ezrah. P