Lucy Lahat ng mga bagay ay may pinanggalingan. Lahat ng mga pangyayari ay may pinagmulan. Kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan ay magiging nakaraan, at ang nakaraan ay maaaring sumalamin ng kinabukasan. "Lucy? Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Erycha. Napaayos ako't tumango na lang na para ba'ng nakikinig sa sinasabi niya, kahit ang totoo'y kanina pa ako lutang at hindi nakikinig sa kaniya. "Kunwari ka pa! Alam ko kanina ka pa hindi nakikinig! Saan ba lumilipad ang utak mo ha?" Napakamot na lang ako ng batok. Bago mabuhay ang lahat tao, bago magkaroon ng lupa, hangin, dagat, at apoy, bago magkaroon ng mga halaman at mga hayop, ang tanging pinakamakapangyarihang Di