Lucas "Lucas ang pangalan mo, hindi ba? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” Nilingon ko si Adam. Tulad ko’y nakatingin lang ito sa araw na nakakubli sa likod ng ulap. Nakatayo kami ngayon sa rooftop ng building ng LC Robocon Ltd Corporation. Mula rito’y tanaw na tanaw namin ang kahabaan ng tulay na dumudugtong sa magkabilang kalsada. Ang tulay kung saan naroon ang ilog na nagsisilbing lagusan patungong kabilang mundo. Ang tanging lugar na paglalabasan ng aming magiging kalaban. “Halata ba masyado?” balik tanong ko. “Oo. Ang lalim ng tingin mo, ngunit bukod doon ay may napansin pa ako. May kalungkutan at pangungulila sa iyong mga mata.” Isang mapaklang ngiti ang kumawala sa labi ko. “Kung hindi pami