Harrieta Kinuha ko ang phone sa bulsa ko't kinuha ang pang 13, 999 picture ko sa loob ng isang linggong pananatili namin rito. Kung pwede lang ay i-uupload ko sana 'to sa i********: at lalagyan ko ng caption na 'Selfie muna bago sasabak sa laban' pero dahil wala sa tamang lugar 'yon, palilipasin ko muna. Account niyo? Follow ko kayo pagkatapos ng gyerang 'to. "Harrieta, iba ka talaga. Sasabak na tayo sa labanan ano mang oras, may panahon ka pa talaga para kunan ng litrato ang sarili mo." Iiling-iling na sabi ng katabi ko. Inangat ko ang phone ko't ngumiti bago i-click ang capture button. "Ayaw mo no'n? Kung sakaling masawi ako sa labanang 'to, marami kayong picture na pagpipilian sa libing ko. Sigura