Ikatlong Persona Binuksan ni Azriel ang pinto ng silid Pagamutan. Inikot niya ang paningin niya't nakita niya ang nakahigang katawan ng dalaga sa dulo. Ilang oras na itong tulog dahil sa ginawa ni Uno kanina. Dahan-dahan siyang naglakad papalapit dito't pinagmasdan ang maamo nitong mukha habang natutulog. Nilabas niya ang isang maliit na vial. Ang laman nito ay isang inumin na pampalimot. Ang sino mang makakainom nito'y hindi maaalala ang partikular na ala-ala na nais mong ipalimot sa kaniya. Inangat niya ito't tumingin kay Lucy. I'm sorry, but I need to do this. Hindi niya naman ito gagawin para sa sarili niya. Alam niyang mali ito, ngunit wala siyang magagawa. Binuksan niya takip nito't dahan-dahan itong