Lucy "My mother is old," Nangunot ang noo ni Sapphira. Pinaglaruan niya ang mga daliri niya habang nag-iisip kung paano isalin sa kanilang lengguahe ang sinabi ko. Naisip ko kasing turuan siya't nakakamanghang napakadali lang niyang matuto. "Ang aking ina ay luma na!" Narinig ko ang paghagikgik ni Mekhi sa isang tabi. Napakamot naman ng batok si Sapphira, kaya natawa na lang ako. Tama naman ang sinabi niya, niliteral niya lang ang salitang 'old' kaya nagging 'luma' ang pagsalin niya. "Ang aking ina ay matanda na. 'Yon ang tamang pagsalin Sapphira." Tumango naman siya kaya tumikhim ako ulit upang mag-isip ng pangungusap na ipapasalin ko sa kaniya. "Nagdadalawang isip akong makita ka." Tumahimik si