Mekhi "Lucy! Saglit lang!" Binilisan ko ang paglakad ko paakyat ng kuweba upang habulin siya. Mabibilis ang mga hakbang niya't kanina pa siya tahimik. Matapos niyang umiyak ng ilang minuto, hindi na siya umimik pa. "Lucy!" Tawag ko muli. Tinaas ko ang sulong hawak ko upang mabigyan siya ng ilaw. Madilim rito sa loob ng kuweba't ilang metro na ang layo niya sa akin. Gustuhin ko ma'ng habulin siya, pakiramdam ko'y manghihina lang ako ng husto sa gagawin ko. Napasinghap na lang ako nang madulas ako't muntikan ng mahulog ang hawak-hawak kong sulo. Buong akala ko'y katapusan ko na, ngunit laking pasasalamat ko nang may humablot sa kamay ko upang mailigtas ako. Sinandal niya ako sa pinakamalapit na bato'