Lucy "Bitawan mo ako Mekhi, sumosobra na ang ahas na 'yan!" Impit kong usal habang pinipilit makawala sa mga bisig niya. "Sige nga, paano mo siya susugurin? Mag-isip ka Lucy, hindi mo siya kaya kung lakas ang pag-uusapan natin." Natigilan ako. Tama siya, hindi ko nga siya kaya kung lakas ang pag-uusapan. Inangat ko ang tingin ko't nakita ko ang pagmutawi ng kakaibang ngiti sa labi niya. Kasabay nito ay ang paghampas ng mahaba niyang buntot sa aming tatlo. Akmang iiwas na kami rito, pero huli na ang lahat dahil nahulog na kami sa lawa. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malamig na tubig sa balat ko. Minulat ko ang mata ko't agad hinanap si Lukhi. Nang makita ko siya'y hinawakan ko ang kamay niya