Lucy Napahawak na lang ko sa buhok ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bakit ba hindi ko inalam kung paano makakaalis sa isang quicksand? Ang alam ko lang pwede lang kami makaalis dito kung may kakapitan kami. It's a basic way of survival. Kaya lang, wala naman kaming makakapitan dito. "Sana bumalik si Lukhi, siya na lang ang pag-asa natin para makaalis dito." Narinig ko na lang ang pagsinghal ni Mekhi dahil sa sinabi ko. Mukhang nagagalit pa rin siya kay Lukhi. "Hindi na babalik ang batang 'yon Lucy. Hindi mo pa rin ba naiintindihn na mas pinili niya ang iwanan tayo rito sa kagustuhan niyang manalo sa paligsahang 'to?" Umiling ako sa sinabi niya. Naniniwala akong babalik si Lukhi. Kahi