Azriel "Azriel? Saan ka na naman ba pupunta? Hindi ka ba manonood ng paligsahan?" Napalingon ako nang marinig ko na naman ang nakakairitang tanong ni Harrieta. Hindi sa naiirita talaga ako sa kaniya, pero naasar na kasi ako dahil palagi niyang tinatanong kung saan ako pupunta. "May pustahan pa namang magaganap. Hindi ka na naman ba sasali?" Nagkibit- balikat na lang ako. Hindi rin naman ako sumali noong nakaraang pustahan. Ano naman ang mapapala ko riyan? "Nagsimula na ba?" Tanong ko. Napatingin silang lima sa akin. Inangat ni Theo ang kamay niya't tinuro ang mga estudyanteng naglalakad papuntang Training Grounds. Napatango ako, mukhang nagsisimula na nga. "Ano, pupusta ka ba? 'Di kaya'y manonood