Ikatlong Persona "Lymuel, sigurado ka ba'ng sa'yo ang kwintas na 'yan?" Paniniguradong tanong ni Azriel. Aminin niya man o hindi, nagdududa talaga siya sa sinabing pag-aari niya ito. Pinatong ni Lymuel ang magkabilang braso niya sa mahabang lamesa habang nakatingin kay Azriel. Blanko ang tingin nito, at kahit na sino'y walang makakaalam ng nasa isip niya kung ekspresyon niya lang ang pagbabasehan. "Wala akong nahahanap na dahilan upang magsinungaling ako sa inyo." Saglit itong tumingin sa kwintas na se leeg niya. Hanggang dib-dib niya ang kahabaan nito kaya nakikita niya ang gawa sa gintong sing-sing na pendant nito. "Sinabi mo'ng sa'yo 'yan 'di ba? May alam ka ba sa aklat na 'to?" Inangat ni Magistre Lilith