Lucy Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na lamang akong tumakbo palabas. Nakabangga ko pa ang braso ni Azriel pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin 'yon. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Ginalit niya ako, at hindi ko kontrolado ang sarili kong emosyon. Habang tumatakbo ako'y dinala ako ng sarili kong mga paa sa isang gubat malapit sa likod ng silid Pagamutan. Walang tao rito kaya mas minabuti kong umupo na lamang sa isa sa mga ugat ng punong kahoy na nakahilera roon. Wala sa sarili akong napatingin sa kaliwang palad ko. Hindi ako namamalikmata kanina 'di ba? Napuno ng mga katanungan ang isip ko. Paano? Paano ako nagkaroon ng taglay na gaya nila? Hindi ako mula rito, isa lamang akong mor