Lucy “Azriel?” tawag ko sa pangalan niya bago katukin sa pangatlong pagkakataon ang pinto ng kuwarto niya. Walang sumagot kaya pinihit ko ang door knob upang buksan ito. Sa pagpasok ko sa loob ng kuwarto niya’y mabilis kong ginala ang paningin ko, pero ni anino niya’y hindi ko mahagilap kung saan. Mataas na araw, ngunit ang kurtina’y hindi pa rin nakabukas na nagdudulot ng kadiliman sa loob ng kwarto. Nakakapagtaka rin na hindi malamig ang temperatura rito. For all I know, his room is always freezing with cold temperature. But right now, it’s just like a normal and dark empty room. Pagtingin ko sa higaan niya’y napadako ang paningin ko sa night stand kung saan nakapatong ang lamp shade. May nakita ak