Ikatlong Persona “It’s been three days and he’s still unconscious. Are you sure nothing’s wrong with him?” Hindi na mabilang ng dalaga kung ilang beses niya na itong natanong kay Mira, at alam na rin niya kung ano ang maaari nitong maging sagot pero umaasa pa rin siyang baka magbago ang sagot nito. “Isa lang akong doktor ng mga mortal, Lucy. Hindi ako isang babaylan upang malaman kung ano ang sakit niya bilang isang imortal.” Napabuga na lang ito ng hangin. Binaling na lang niya ang kaniyang tingin kay Azriel na kasalukuyang nakahiga sa kama niya’t mahimbing na natutulog. Hinawakan niya ang kamay ng binata’t masuyo itong hinaplos-haplos gamit ang hinalalaki nitong daliri. Higit sa kanilang lahat, siya an