MIDNIGHT. Lumitaw ang si Melissa sa loob ng tent ni Gabriel. Nagsabi siya ng inkantasyon at naglaho. Habang si Gabriel. Kusang bumangon at lumabas ng tent. Nakapikit si Gabriel habang naglalakad. Lumabas siya ng kampo at nagtungo sa kakahuyan. Nakasunod naman si Renesmee sa binata. Kaagad siyang tumalon sa isang sanga puno ng makarating sila sa isang parte ng kakahuyan. Bigla namang nagising si Gabriel. Nagulat siya ng makitang wala siya sa loob ng kampo. "Anong ginagawa ko dito sa kakahuyan? Paano ako napunta dito?" Nagtataka niyang tanong sa sarili. Madilim na parte ng kakahuyan ang kinaroroonan niya at hindi niya alam kung paano siya nakarating doon. Hindi nga niya alam kung ano ang ginawa niya? Naglakad ba siya ng tulog? Napabuga ng hangin si Gabriel at tumingin sa paligid kun