NAGISING si Gabriel sa hindi pamilyar na lugar. Alam niyang hindi pa siya nakarating sa lugar na ito. Nakikita niya na puro puno ang paligid niya. Inilibot niya ang paningin sa buong paligid. "Nasaan ako?" Tanong niya sa kaniyang sarili. Tumingin siya sa kalangitan. Makulimlim ito at parang walang sumisikat na araw. Nagulat si Gabriel ng bigla na lang dumilim ang buong paligid at lumitaw ang dalawang buwan. Napakurap siya ng maraming beses. Anong nangyayari? Nasaan ba talaga siya? Naglakad-lakad si Gabriel. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya pero para kasing may nagtutulak sa kaniya kung saan siya dapat pumunta. Pero habang naglalakad si Gabriel. Nakita niya ang ilan sa mga mababangis na hayop. At hindi ordinaryo ang laki ang mga ito. Nagtat