NAGISING si Renesmee na nakaunan siya sa hita ni Gabriel habang ito naman ay nakasandal sa puno. Tinangka niya ang bumangon pero nanghihina ang katawan niya. Pinatigil niya ang oras at binura niya ang alaala ng mga sundalo na nakasaksi sa biglaan niyang paglitaw sa tabi ni Gabriel. Ang pagpapatigil sa oras ay sobrang nakabawas sa kapangyarihan niya kaya siya nanghina. Nagtungo siya kaagad dito sa kakahuyan. Napabuntong-hininga si Renesmee at tumingin kay Gabriel. Patag ang paghinga nito kaya alam niyang natutulog ang binata. Napangiti siya. Sinundan pala siya nito. Tumingin si Prinsesa Renesmee sa paligid. Madilim na ang buong paligid. Wala ang buwan kaya madilim talaga. Dahan-dahang bumangon si Prinsesa Renesmee na siya namang nanggising kay Gabriel. "Gising ka na pal