"MAHAL na prinsesa." Lumapit si Melissa kay Prinsesa Renesmee na nakaluhod sa damuhan at nakatulala. "Melissa, bakit? B-bakit si Briel?" Tumulo na naman ang luha ni Prinsesa Renesmee. Napabuntong-hininga si Melissa at lumuhod sa tabi ng prinsesa at niyakap ito. "Ilabas mo lang 'yan, mahal na prinsesa. Iiyak mo lang ang sakit na nararamdaman mo." Yumakap naman si Prinsesa Renesmee kay Melissa at umiyak ng umiyak. Walang ibang pumapasok sa isipan niya kung hindi ang huling pag-uusap, yakap at halik ni Gabriel sa nuo niya na alam niyang mamimiss niya mula rito. "Sa katunayan, mahal na prinsesa. Nakita ko na mangyayari ito kay Gabriel pero hindi ko sinabi sa 'yo dahil alam kong gagawa ka ng paraan para iligtas siya. Hindi mo maaaring baguhin ang kapalaran na nakatad