NAPABUNTONG-HININGA si Prinsesa Mavielyn habang nakatingin sa kalendaryo. Mabuti na lang at weekends na naman bukas. Makakuwi siya sa probinsiya. Bukas na naman kasi ng gabi na pagdadaanan niya ang sumpa niya kaya kailangan niyang umuwi sa probinsiya. Doon malaya siya na pumunta sa gubat at hindi basta basta napapasok ng mga tao ang hacienda ni Tatay Abel dahil sa mga bakod. Hindi katulad dito Maynila na hindi siya malayang magpalit ng anyo. "Hi, Mav!" Nagulat si Prinsesa Mavielyn nang bigla na lang lumitaw si Prinsesa Airene, na malapit ng manganak at si Prinsesa Phyllis na buntis rin, malaki na rin ag tiyan nito. Lumitaw ang mga ito sa likuran niya. Napailing si Prinsesa Mavielyn. "Gabi na. Bakit pa kayo nagpunta rito? Alam ba 'to ng mga asawa niyo?" Tanong niya sa