KAAGAD na tumaas ang kilay ni Mavielyn nang makarating siya sa rooftop ng Dayne's Restaurant at makita si Hanz. Napangiwi naman si Hanz. "Please..." Aniya. "Sit down first and I'll explain." Nasa mukha ng binata ang pakiusap. "You.better.be." May diin ang bawat salitang binigkas ni Mavielyn. Napalunok si Hanz dahil sa nakikitang hitsura ni Mavielyn. Seryoso ito at kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa siya nakabulagta sa sahig. "Okay. Okay. Relax, Mavy, and hear me out." Sabi ni Hanz. Umupo naman si Mavielyn at huminga ng malalim. Tinignan niya si Hanz na panay ngayon ang lunok at halatang kinakabahan. Mahal na prinsesa, baka pwedeng huwag mo naman siyang tignan ng matalim. Mas lalong kinakabahan sa 'yo si Hanz e. Pakinggan mo muna siya bago ka maga