KABANATA 115

2504 Words

                        HINDI PA RIN makapaniwala si Hanz sa mga nalaman mula kay Mavielyn na hindi ito tao. Hindi sila magka-uri. Sinabi lang ng asawa na hindi ito tao pero hindi naman nito sinabi kung ano ito. Napabuntong-hininga si Hanz habang panay ang tingin sa suot na relo. Isang oaras na lang bago maghating-gabi at hindi pa bumabalik ang asawa. Nagpaalam kanina sa kaniya si Mavielyn na may pupunta lang ito sa dalampasigan at huwag na niya itong hintayin pero nag-aalala na siya rito. Aaminin niyang wala silang maayos na pag-uusap ng asawa pagkatapos nitong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagkatao nito. Malalim na napabuntong-hininga si Hanz at lumabas ng kwarto. Hahanapin na lang niya ang asawa dahil baka may masamang mangyari rito. Hindi pa nito kabisado ang buong lugar. Baka na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD