INAYOS ni Prinsesa Mavielyn ang suot na damit at tinignan ang condominium na nasa kaniyang harapan. Tumaas ang sulok labi niya. Hindi niya talaga nagustuhan ang ginawa ni Stella na pagsunog sa isang branch ng kumpanya ni Hanz. Hindi maaaring may gumawa ng ganun sa lalaking itinakda sa kaniya. Nagproblema ng ilang araw si Hanz kasi malaki ang nasira at malaking halaga ang nawala. Ang maganda lang doon walang nasaktan sa nangyaring sunog. Hindi naikulong si Stella dahil sa ginawa nito at 'yon ang ikinagalit ni Hanz sa mga pulis. Kaya pinayuhan niya itong lumapit sa Escobar Intelligence Agency pero ayon naman sa Director ng ahensiya ay may malakas daw sa gobyerno ang bumaback up kay Stella at hawak ng mga ito ang mga pulis. Kaya naman nandito sa condo ni Stella si P