"WHERE are you taking me?" Nagtatakang tanong ni Prinsesa Nekiel kay Doris. Basta na lang kasi itong nag-aya na lumabas sila. Ngumiti si Doris. "Date tayo, Ate." Kumunot ang nuo ni Prinsesa Nekiel. "Date? Well, not a bad idea. Let's go." Aniya. Lumapad ang ngiti ni Doris. "Sige, Ate. Tara na." Excited niyang saad. "Ikaw na ang bahala kung saan tayo pumunta. Wala akong alam na puntahan." Ani Prinsesa Nekiel. Tumango si Doris. At dahil hindi marunong magmaneho si Doris, si Nekiel ang nagmaneho sa kotse. "Sabi ko naman sa'yo. Tuturuan kitang magmaneho o di kaya pumasok ka sa driving school pero ayaw mo naman." Ani Nekiel habang nakatutok ang mata sa daan. "Ate naman huwag mo na akong sermunan. Ang ganda mo pa naman ngayon." Sabi ni Doris. Napailing si Nekie