NAGKATINGINAN si Abel at Melissa. Sabay pa nilang nilingon ang walong prinsesa na nasa likuran habang nasa hindi kalayuan naman ang asawa ng mga ito. Nasa mukha ng mga ito ang lungkot. Natawa si Melissa at napailing. "Mga mahal kong prinsesa, huwag na kayong malungkot. Papasok kami sa Arwood, hindi sa kabilang buhay." Ani Melissa. "Malungkot lang kami kasi nakasama ka namin dito ng sampung taon. Tapos ngayon aalis ka na—kayo ni Tatay Abel." Sabi ni Prinsesa Nekiel. Ngumiti si Melissa. "Huwag kayong mag-alala. Babalik ako rito kapag nasa tamang edad na ang mga tagapagmana niyo." Aniya. "Pagkalipas ng eighteen years?" Dayne tsked. "Mga mahal na prinsesa, wala akong magagawa. Kailangan kong tulungan ang mga nilalang sa Arwood. Nag-aalala ako para sa kanila. Lalo