NAPABUNTONG-HININGA si Melissa habang nakatingin kay Erashea na nakahiga sa puting kama. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. May sugat ito at halatang pagod na pagod. Sa tagal ng panahon niyang nabuhay sa mundo. Alam niyang siya pa lang ang nakakita kay Erashea. Magkaibigan sila noon pa. Noong hindi pa nito natanggap ang basbas mula sa mga magulang nito na maging diyosa ng buong Arwood. Pero kahit naging makapangyarihan na ito, ito pa rin ang Erashea na kilala niya. Napangiti si Melissa. Pero kahit ito pa rin ang Erashea na kilala niya. Nagtataka talaga siya kung ano ang nangyari. Ngayon lang niya nakita si Erashea na ganito ang hitsura. Ngayon lang niya nakita na may umagos na dugo mula rito. Magaling makipaglaban si Erashea. Alam niya 'yon dahil palagi