18 years later... WALONG magagarang kotse ang magkakasunod na pumarada sa parking lot ng isang kilalang universidad ng bansa at bumaba rito ang walong naggagwapuhang mga nilalang. Kaagad silang nakakuha ng atensiyon lalo na ang atensiyon ng mga babae. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin sa makisig na anyo ng walong lalaking 'to. Halos silang lahat ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa university pero ni isa ay wala silang pinansin. "Papasok pa ba tayo?" Tanong ni Shane sa mga kaibigan. "Ano sa tingin mo?" Supla rito ni Gideon. Shane sighed. "Nakakatamad ang pumasok." Aniya at kinuha ang bag. Napailing ang iba niyang kaibigan dahil sa sinabi niya. "Nakakatamad, ah? Gusto mo isumbong ka namin kay Tita Airene?" Panakot ni Nicholas. Shane tsked. "Panakot niyo na naman sa akin si Mo