VACATION came. Pumunta ang nga magkakaibigan sa hacienda nila Gideon. Doon sila sa kagubatan ng hacienda tumambay. Ginawa nila ang kadalasan nilang gawin kapag nasa bakasyon sila, ang magsanay. "Alam niyo ito pa ang nakakapagtaka e." Sabi ni Grayson. "Nagsasanay tayo na parang pupunta tayo sa isang giyera." Aniya habang abala sa pagwasawas ng kaniyang espada. Sumang-ayon naman kay Grayson ang lahat. Talaga nagtataka sila kung bakit sila sinasanay ng kanilang mga ina na makipaglaban. Noong una ayaw nila at palagi silang tumatakas pero napaparusahan naman sila kaya sumusunod na lamang sila. "Alam niyo nararamdaman kong parang may nililihim sila sa atin." Ani Shane. "Ako din. Sometimes I felt really weird. Hindi nga tayo mga tao. Magkakaiba naman tayo ng lahi. At i