TAHIMIK na nakaupo si Gideon sa railing ng terasa ng mansyon nila nang maramdaman niya ang presensiya ng kaniyang ama. Ang bakasyon na plano nilang magkakaibigan ay hindi na natuloy. Umuwi na ang mga kaibigan kasama ang mga magulang nila. Of course, para kausapin ang mga ito panigurado. "Gideon." Tawag ni Gabriel sa anak. Umupo siya sa upuan na naroon at tinignan si Gideon. Sumulyap lang naman si Gideon sa ama saka tumingin na naman sa malayo. "Dad." "Hmm?" "Bakit tayo umalis ng Arwood?" Tanong ni Gideon. "Para ilayo ka sa panganib." Sagot ni Gabriel. "Magulo kasi sa Arwood at gusto kang patayin ni Erosho-kayong lahat na walo actually." Ibinalik ni Gideon ang tingin sa ama, "bakit po?" "Dahil kayo lang ang makakatalo sa kaniya. Marami ang umaasa sa inyong