ISANG misyon na naman ang naibigay sa team ni Lieutenant Colonel Gabriel Hamilton. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang misyon na ibinigay sa kaniya ng superior niya dahil buhay na ng mga inosente ang nakasalalay. Sakay ng mga military helicopter pumunta sila ng team niya sa malayong probinsiya. Napabuntong-hininga si Gabriel at tinignan ang ibinigay sa kaniya ni Renesmee na singsing. Habang tinititigan niya ang singsing. May napansin siya na naka-engrave sa singsing. 'Renesmee' Napangiti si Gabriel. Now he admit it. He's really inlove to Renesmee. Para kasing may nararamdaman siya na parang may nagkokonekta sa kanila ng dalaga. Hindi na lang niya sinabi kay Renesmee dahil baka pagtawanan lang siya nito. At baka hindi ito maniwala sa sasabihin niya. Mapahiya lang s