GAMIT ANG KAKAIBANG bilis. Nagtungo si Prinsesa Renesmee sa probinsiya kung saan nagtungo si Gabriel para tignan kung maayos ba ito o hindi. Napakalayo nga nito sa Manila at liblib na lugar ang kinaroroonan nila Gabriel. Walang signal ng cellphone. At nasa bundok pa ang mga ito. Napabuntong-hininga si Prinsesa Renesmee. Sana naman komportable ang binata. Tumalon siya sa isang puno at tinignan si Gabriel mula sa malayo. Hindi siya pwedeng lumapit sa mga ito dahil baka may makapansin sa kaniya at pagkamalan pa siyang kalaban. Mahirap na. Kusa siyang napangiti nang makita si Gabriel. Napakakisig nito sa suot nitong uniporme. May kasama ang mga itong sundalo. Kumunot ang nuo ni Prinsesa Renesmee nang makitang nakatupi ang suot nitong camouflage jacket. Nakita niyang may