NANG magmulat ng mata si Prinsesa Gabril. Wala na si Khalil sa tabi niya. Isang note lang ang iniwan nito sa ibabaw ng unan. 'Need to go to the firm. I've prepared your breakfast. I love you.' Natawa si Prinsesa Gabril dahil magulo ang sulat ni Khalil. Mukha ngang nagmamadali ito. He sounded nice in his letter. Bumangon si Prinsesa Gabril at bumaba ng kama. Pumasok siya sa banyo at naligo. Nagbihis siya at lumabas ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina para kumain. Habang kumakain, napatingin si Prinsesa Gabril sa isang baso ng tubig na nasa tabi ng pinggan niya. Kumunot ang nuo niya nang makitang bigla na lang itong natumba at natapon ang laman. Napabuntong-hininga ang prinsesa at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos siyang kumain. Hinugasan niya ang pinagkainan ni