KANINA pa nagtataka si Khalil kung bakit tawa ng tawa si Stanley at Hanz. Kinunotan niya ang mga ito ng nuo. "Kanina pa kayo tawa ng tawa diyan. Ano bang tinatawanan niyo?" Tanong niya. Chuckling, Hanz said, "ikaw ang tinatawanan namin, Khalil." "At bakit?" "You're sweating bullets, man." Natatawang sabi ni Stanley. Tinaasan niya ng kilay ang dalawa. "Bakit hindi niyo ba naranasan ang kabahan ng ganito?" Nagkatinginan si Stanley at Hanz. Umiling ang dalawa sabay sabing, "hindi." Napailing naman si Khalil. "Oo nga pala. Arrange marriage ang nangyari sa inyo. Paano niyo nga pala maiintindihan ang kabang nararamdaman ko ngayon?" Napangisi si Hanz at Stanley. "Ganun talaga." Sabi ni Hanz. Khalil tsked. Namulsa siya at tinalikuran ang dalawa. Naglakad siya patun