NAPANGIWI si Prinsesa Nekiel nang mabutasan ang punching bag na pinagprapraktisan niya. Napabuga siya ng hangin at napailing. Napalakas yata ang suntok niya kaya ito nabutas. May papalitan na naman siyang bago. Pero hindi na bale. Sasabihin na lang niya si Doris na umorder ng bagong gamit para sa kaniya. "Ate Nekiel, nakahanda na po ang almusal." Sabi ni Doris. "Susunod ako. Siya nga pala. Umorder ka ulit." Aniya sa dalaga. Kumunot ang nuo ni Doris, "ng ano po, Ate?" Itinuro niya ang punching bag na nabutas, "napalakas ang suntok ko kaya nabutas na naman." Natawa si Doris. Matagal na silang magkasama ng Ate Nekiel niya. Sa poder na siya nito lumaki at malaki ang utang na loob niya rito. Sampung taon na yata silang magkasama. Bata pa siya noon. Kaya naman hindi