LEXANDER looked around him. He's in the airport. Kakauwi niya lang rito sa Pilipinas mula sa isang business trip. Inayos niya ang suot na shade. Kapagkuwan napatingin siya sa bandang gilid. Nakita niya ang isang babae na nakaupo roon at na mukhang may malalim na iniisip. Hindi alam ni Lexander kung ano ang sumapi sa kaniya at nakuha ng babaeng 'yon ang pansin niya. And she looked familiar to him. Inilabas niya ang cellphone at palihim na kinunan ito ng larawan. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang mapatingin sa direksiyon niya ang babae. Tinignan niya ang larawan nito. He smiled. Kahit hindi niya makita ang mukha nito dahil sa suot nitong sumbrero, parang may kung anong humahatak sa kaniya para lapitan ang babae pero alam ni Lexander na kapag ginawa niya 'yon. Ma

